bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Matthew 24
Matthew 24
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 23
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 25 →
1
At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniyay ipamalas ang mga gusali ng templo.
2
Datapuwat siyay sumagot at sa kanilay sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ditoy walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.
3
At samantalang siyay nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
4
At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
5
Sapagkat marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
6
At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagkat kinakailangang itoy mangyari datapuwat hindi pa ang wakas.
7
Sapagkat magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa ibat ibang dako.
8
Datapuwat ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
9
Kung magkagayoy ibibigay kayo sa kapighatian, at kayoy papatayin: at kayoy kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
10
At kung magkagayoy maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isat isa, at mangagkakapootan ang isat isa.
11
At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
12
At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.
13
Datapuwat ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
14
At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayoy darating ang wakas.
15
Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
16
Kung magkagayoy magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
17
Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
18
At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
19
Datapuwat sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
20
At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:
21
Sapagkat kung magkagayoy magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayoy di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
22
At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwat dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.
23
Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
24
Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pat ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
25
Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
26
Kaya nga kung sa inyoy kanilang sasabihin, Narito, siyay nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siyay nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.
27
Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
28
Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.
29
Datapuwat karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
30
At kung magkagayoy lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayoy magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
31
At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.
32
Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;
33
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siyay malapit na, nasa mga pintuan nga.
34
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
35
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwat ang aking mga salita ay hindi lilipas.
36
Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
37
At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
38
Sapagkat gaya ng mga araw bago nagkagunaw, silay nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
39
At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at silay tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
40
Kung magkagayoy sasa bukid ang dalawang lalake; ang isay kukunin, at ang isay iiwan:
41
Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isay kukunin, at ang isay iiwan.
42
Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
43
Datapuwat itoy talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siyay magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.
44
Kaya nga kayoy magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.
45
Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang silay bigyan ng pagkain sa kapanahunan?
46
Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa.
47
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniyay ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari.
48
Datapuwat kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon;
49
At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing;
50
Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman,
51
At siyay babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
← Chapter 23
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 25 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28