bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Matthew 15
Matthew 15
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 14
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 16 →
1
Nang magkagayoy nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi,
2
Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa salit-saling sabi ng matatanda? sapagkat hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay.
3
At siyay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayoy nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong salit-saling sabi?
4
Sapagkat sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.
5
Datapuwat sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:
6
Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong salit-saling sabi.
7
Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,
8
Ang bayang itoy iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwat ang kanilang puso ay malayo sa akin.
9
Datapuwat walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.
10
At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanilay sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain.
11
Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.
12
Nang magkagayoy nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniyay sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito?
13
Datapuwat sumagot siya at sinabi, Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin.
14
Pabayaan ninyo sila: silay mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.
15
At sumagot si Pedro, at sinabi sa kaniya, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga.
16
At sinabi niya, Kayo baga namay wala pa ring pagiisip?
17
Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi?
18
Datapuwat ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.
19
Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:
20
Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwat ang kumaing hindi maghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao.
21
At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng Tiro at Sidon.
22
At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.
23
Datapuwat siyay hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siyay pinamanhikan, na nangagsasabi, Paalisin mo siya; sapagkat nagsisisigaw siya sa ating hulihan.
24
Datapuwat siyay sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.
25
Datapuwat lumapit siya at siyay sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.
26
At siyay sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso.
27
Datapuwat sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagkat ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.
28
Nang magkagayoy sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.
29
At umalis si Jesus doon, at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.
30
At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at silay kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at silay pinagaling niya:
31
Ano pat nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
32
At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, Nahahabag ako sa karamihan, sapagkat tatlong araw nang silay nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na silay paalising nangagaayuno, baka silay manganglupaypay sa daan.
33
At sa kaniyay sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
34
At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35
At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
36
At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; at siyay nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
37
At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
38
At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
39
At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng Magdala.
← Chapter 14
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 16 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28