bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 17
Isaiah 17
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 16
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 18 →
1
Isang pahayag tungkol sa Damasco. Narito, ang Damasco ay hindi na magiging lunsod, at magiging isang buntong sira.
2
Ang mga lunsod ng Aroer ay napapabayaan; iyon ay magiging para sa mga kawan, na hihiga, at walang mananakit sa kanila.
3
Ang kuta ay mawawala sa Efraim, at ang kaharian sa Damasco; at ang nalabi sa Siria ay magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo.
4
Sa araw na iyon, ang kaluwalhatian ng Jacob ay ibababa, at ang katabaan ng kanyang laman ay mangangayayat.
5
At ito'y maging gaya nang kapag tinitipon ng mang-aani ang nakatayong trigo, at ginagapas ng kanyang kamay ang mga uhay; oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay sa Libis ng Refaim.
6
Gayunma'y maiiwan doon ang mga pinulot, gaya ng kapag niyugyog ang puno ng olibo — na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataas-taasang sanga, apat o lima sa mga sanga ng mabungang punungkahoy, sabi ng PANGINOONG Diyos ng Israel.
7
Sa araw na iyon ay pahahalagahan ng mga tao ang Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay titingin sa Banal ng Israel.
8
Hindi nila pahahalagahan ang mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, at hindi sila titingin sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga sagradong poste, o sa mga altar ng insenso.
9
Sa araw na iyon, ang kanilang matitibay na lunsod ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan dahil sa mga anak ni Israel; at magiging wasak.
10
Sapagkat kinalimutan mo ang Diyos ng iyong kaligtasan, at hindi mo inalala ang Malaking Bato ng iyong kanlungan. Kaya't bagaman nagtatanim ka ng mabubuting pananim, at naglagay ka ng ibang sangang pananim.
11
Bagaman sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong inalagaan, at pinamumulaklak mo ang mga iyon sa kinaumagahan, gayunma'y mawawala ang ani sa araw ng kalungkutan at walang lunas na hapdi.
12
Ah, ang ingay ng maraming bansa, na umuugong na gaya ng ugong ng mga dagat; Ah, ang ingay ng mga bansa, na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng malakas na mga tubig!
13
Ang mga bansa ay umuugong na parang agos ng maraming tubig, ngunit sila'y sasawayin niya, at sila'y magsisitakas sa malayo, at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin, at gaya ng ipu-ipong alabok sa harap ng bagyo.
14
Sa gabi, ay narito ang nakakatakot! At bago dumating ang umaga, ay wala na sila! Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin, at ang kapalaran nila na nagnakaw sa atin.
← Chapter 16
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 18 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66