bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 7
Isaiah 7
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 6
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 8 →
1
Nang mga araw ni Ahaz na anak ni Jotam, anak ni Uzias, na hari ng Juda, si Rezin na hari ng Siria, at si Peka na anak ni Remalias na hari ng Israel, ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon, ngunit hindi nila ito magapi.
2
Nang sabihin sa sambahayan ni David, 'Ang Siria ay nakipagkasundo sa Efraim," ang puso niya at ang puso ng kanyang bayan ay nanginig na gaya ng mga punungkahoy sa gubat na niyanig ng hangin.
3
Nang magkagayo'y sinabi ng PANGINOON kay Isaias, "Lumabas ka at iyong salubungin si Ahaz, ikaw, at si Sear-jasub na iyong anak, sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas, sa lansangan ng parang ng Bilaran ngTela,
4
at sabihin mo sa kanya, 'Ikaw ay makinig, tumahimik ka, huwag kang matakot, o manghina man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok, ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria, at ng anak ni Remalias.
5
Dahil sa ang Siria, ang Efraim, at ang mga anak ni Remalias, ay nagbalak ng masama laban sa iyo, na nagsasabi,
6
"Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating takutin, at ating sakupin para sa ating sarili, at ating ilagay na hari sa gitna niyon ang anak ni Tabeel."
7
Ganito ang sabi ng Panginoong DIYOS: "Hindi ito matatatag o mangyayari man.
8
Sapagkat ang ulo ng Siria ay ang Damasco, at ang ulo ng Damasco ay ang Rezin. Sa loob ng animnapu't limang taon ay magkakawatak-watak ang Efraim anupa't hindi na ito magiging isang bayan.
9
At ang ulo ng Efraim ay ang Samaria, at ang ulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayo'y hindi maniniwala, tunay na hindi kayo matatatag.'"
10
At ang PANGINOON ay muling nagsalita kay Ahaz, na sinasabi,
11
"Humingi ka ng tanda mula sa PANGINOON mong Diyos; gawin mo itong kasinlalim ng Sheol o kasintaas ng langit."
12
Ngunit sinabi ni Ahaz, "Hindi ako hihingi, ni susubukin ko man ang PANGINOON."
13
At kanyang sinabi, "Dinggin ninyo ngayon, O sambahayan ni David! Maliit na bagay ba sa inyo ang pagurin ang mga tao, na inyong papagurin rin ang aking Diyos?
14
Kaya't ang Panginoon mismo ang magbibigay sa inyo ng tanda. Narito, isang birhen ang maglilihi, at manganganak ng isang lalaki, at kanyang tatawagin ang kanyang pangalan na Emmanuel.
15
Siya'y kakain ng keso at pulot, kapag siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.
16
Sapagkat bago malaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, iiwan ang lupain ng dalawang haring iyong kinatatakutan.
17
Ang PANGINOON ay magpapasapit sa iyo, sa iyong bayan, at sa sambahayan ng iyong ninuno ng mga araw na hindi pa nangyari mula nang araw na humiwalay ang Efraim sa Juda, ang hari ng Asiria."
18
Sa araw na iyon, susutsutan ng PANGINOON ang langaw na nasa kahuli-hulihang bahagi ng mga ilog ng Ehipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.
19
At sila'y dadating, at silang lahat ay magpapahinga sa matatarik na bangin, sa mga bitak ng malalaking bato, sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal.
20
Sa araw na iyon ay aahitan ng Panginoon ng pang-ahit na inupahan sa kabila ng Ilog, — kasama ang hari ng Asiria — ang ulo at ang balahibo ng mga paa, gayundin ang balbas.
21
Sa araw na iyon, ang isang tao ay mag-aalaga ng guyang baka at ng dalawang tupa;
22
at dahil sa saganang gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng keso; sapagkat ang bawat isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng keso at pulot.
23
Sa araw na iyon, ang bawat dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan.
24
Paroroon doon ang mga tao na may mga pana at may busog; sapagkat ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan.
25
At ang tungkol sa lahat ng burol na inaasarol ng asarol ay hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; ngunit ang mga iyon ay magiging dako na doon ay pinakakawalan ang mga baka at ang mga tupa ay naglalakad.
← Chapter 6
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 8 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66