bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 26
Isaiah 26
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 27 →
1
Sa araw na iyon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda, "Tayo ay may matibay na lunsod; kanyang inilalagay ang kaligtasan bilang mga pader at tanggulan.
2
Buksan ninyo ang mga pintuan, upang makapasok ang matuwid na bansa na nag-iingat ng katotohanan.
3
Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pag-iisip ay nananatili sa iyo, sapagkat siya'y nagtitiwala sa iyo.
4
Magtiwala kayo sa PANGINOON magpakailanman, sapagkat ang Panginoong DIYOS ay isang batong walang hanggan.
5
Sapagkat ibinaba niya ang mga naninirahan sa kaitaasan, ang mapagmataas na lunsod. Kanyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa; ibinagsak ito hanggang sa alabok.
6
Niyayapakan ito ng paa, ng mga paa ng dukha, ng mga hakbang ng nangangailangan."
7
Ang daan ng matuwid ay patag, iyong pinakinis ang landas ng matuwid.
8
Sa daan ng iyong mga hatol, O PANGINOON, naghihintay kami sa iyo; ang pangalan ng iyong alaala ay siyang nasa ng aming kaluluwa.
9
Kinasasabikan ka sa gabi ng kaluluwa ko, ang espiritu sa loob ko ay masikap na naghahanap sa iyo. Sapagkat kapag nasa lupa ang mga hatol mo, ang mga naninirahan sa sanlibutan sa katuwiran ay naturuto.
10
Kapag nagpapakita ng lingap sa masama, hindi siya matututo ng katuwiran; sa lupain ng katuwiran ay nakikitungo siya na may kasamaan, at hindi nakikita ang sa PANGINOON na kamahalan.
11
PANGINOON, ang iyong kamay ay nakataas, gayunma'y hindi nila nakikita. Ipakita mo ang iyong sigasig para sa bayan, at sila'y mapapahiya; lamunin nawa sila ng apoy na para sa iyong mga kaaway.
12
PANGINOON, ikaw ay magtatalaga ng kapayapaan para sa amin, ikaw ang gumawa para sa amin ng lahat naming mga gawa.
13
O PANGINOON naming Diyos, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay namuno sa amin; ngunit ang pangalan mo lamang ang kinikilala namin.
14
Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y mga lilim, sila'y hindi babangon. Kaya't iyong dinalaw at winasak sila, at pinawi mo ang lahat ng alaala nila.
15
Ngunit iyong pinarami ang bansa, O PANGINOON, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay niluwalhati; iyong pinalaki ang lahat ng hangganan ng lupain.
16
PANGINOON, sa kabalisahan ay dinalaw ka nila, sila'y sumambit ng dalangin, noong pinarurusahan mo sila.
17
Gaya ng babae na nagdadalang-tao na namimilipit at dumaraing sa kanyang panganganak, kapag siya'y malapit na sa kanyang panahon, naging gayon kami dahilan sa iyo, O PANGINOON.
18
Kami ay nagdalang-tao, kami ay namilipit, kami ay tila nanganak ng hangin. Kami ay hindi nagkamit ng tagumpay sa lupa; at ang mga naninirahan sa sanlibutan ay hindi nabuwal.
19
Ang iyong mga patay ay mabubuhay; ang kanilang mga katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit sa kagalakan, kayong naninirahan sa alabok! Sapagkat ang iyong hamog ay hamog na makinang, at sa lupain ng mga lilim ay hahayaan mong bumagsak ito.
20
Ikaw ay pumarito, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa likuran mo. Magkubli kang sandali, hanggang sa ang galit ay makalampas.
21
Sapagkat ang PANGINOON ay lumalabas mula sa kanyang dako upang parusahan ang mga naninirahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan. Ililitaw naman ng lupa ang dugo na nabuhos doon at hindi na tatakpan ang kanyang napatay.
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 27 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66