bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 44
Isaiah 44
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 43
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 45 →
1
"Ngunit ngayo'y pakinggan mo, O Jacob na aking lingkod, at Israel na aking pinili!
2
Ganito ang sabi ng PANGINOON na lumalang sa iyo, at mula sa sinapupunan ay nagbigay sa iyo ng anyo, na siyang tutulong sa iyo: Huwag kang matakot, 0 Jacob na aking lingkod; Jeshurun, na aking pinili.
3
Sapagkat bubuhusan ko ng tubig ang uhaw na lupa, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa lahi mo, at ang aking pagpapala sa mga anak mo.
4
Sila'y sisibol sa gitna ng mga damo, gaya ng sauce, tulad ng mga halaman sa dumadaloy na batis.
5
Sasabihin ng isang ito, 'Ako'y sa PANGINOON,' at tatawaging Jacob ng iba ang kanyang sarili, at isusulat ng iba sa kanyang kamay, 'Sa PANGINOON,' at tatawagin ang kanyang sarili sa pangalang Israel."
6
Ganito ang sabi ng PANGINOON, ang Hari ng Israel, at ng kanyang Manunubos, na PANGINOON ng mga hukbo: "Ako ang una at ang huli; at liban sa akin ay walang Diyos.
7
At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at mag-aayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
8
Kayo'y huwag matakot, o mangilabot man hindi ko ba ipinahayag sa iyo nang una, at sinabi iyon? At kayo ang aking mga saksi! May Diyos ba liban sa akin? Oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba."
9
Lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan ay walang kabuluhan, at ang mga bagay na kanilang kinalulugdan ay hindi mapapakinabangan. At ang kanilang mga saksi ay hindi nakakakita ni nakakaalam, upang sila'y mapahiya.
10
Sino ang nag-anyo sa isang diyos, o naghulma ng larawang inanyuan, na di pakikinabangan sa anuman?
11
Narito, lahat ng kanyang kasama ay mapapahiya; ang mga manggagawa ay mga tao lamang. Hayaang magtipon silang lahat, hayaan silang magsitayo; sila'y matatakot, sila'y sama-samang mapapahiya.
12
Ang panday na may kagamitang bakal ay gumagawa nito sa mga baga, at sa pamamagitan ng mga pamukpok, siya'y humuhugis sa pamamagitan ng malakas na bisig. Siya'y nagugutom, at ang kanyang lakas ay nawawala, siya'y hindi umiinom ng tubig, at nanghihina.
13
Ang karpintero ay nag-uunat ng isang pising panukat, kanyang tinatandaan iyon ng lapis, kanyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam at tinatandaan ng mga kompas. Hinuhugisan niya ito ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang manirahan sa bahay.
14
Pumuputol siya para sa kanya ng mga sedro, at kumukuha siya ng puno ng roble at ng ensina, pinapatibay niya para sa kanya sa gitna ng mga punungkahoy sa gubat. Siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at pinalalago iyon ng ulan.
15
Pagkatapos iyon ay magiging panggatong para sa tao; kumukuha siya ng bahagi nito upang ipagpainit sa sarili. Siya'y nagsisindi ng apoy at nagluluto ng tinapay. Gagawa rin siya ng isang diyos, at sasambahin iyon; ginagawa niya itong larawang inanyuan at lumuluhod sa harapan niyon.
16
Kanyang ginagatong ang kalahati niyon sa apoy, at ang kalahati nito ay ikinakain niya ng karne, siya'y nag-iihaw ng iihawin at nasisiyahan. Siya'y nagpapainit din at nagsasabi, 'Aha, ako'y naiinitan, aking nakikita ang apoy!"
17
At ang nalabi ay ginagawa niyang diyos, ang kanyang diyus-diyosan. Kanya itong niluluhuran at sinasamba, dinadalanginan, at nagsasabi, "Iligtas mo ako; sapagkat ikaw ay aking diyos!"
18
Hindi nila nalalaman, o nauunawaan man; sapagkat ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag makakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang makaunawa.
19
At walang nakakaalala o mayroon mang kaalaman, o pang-unawa upang magsabi, "Aking sinunog ang kalahati niyon sa apoy; ako ay nagluto din ng tinapay sa mga baga niyon; ako'y nag-ihaw ng karne at kinain ko; at gagawin ko ba ang nalabi niyon na kasuklamsuklam? Magpapatirapa ba ako sa isang pirasong kahoy?"
20
Siya'y kumakain ng abo; iniligaw siya ng nadayang kaisipan, at hindi niya mailigtas ang kanyang kaluluwa, o makapagsabi, "Wala bang kasinungalingan sa aking kanang kamay?"
21
Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, O Jacob, at Israel, sapagkat ikaw ay aking lingkod; aking inanyuan ka, ikaw ay aking lingkod; O Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22
Aking pinawi na parang ulap ang mga pagsuway mo, at ang iyong mga kasalanan na gaya ng ambon, manumbalik ka sa akin sapagkat ikaw ay tinubos ko.
23
Umawit ka, O langit, sapagkat ginawa iyon ng PANGINOON; kayo'y sumigaw, O mga mababang bahagi ng lupa; kayo'y biglang mag-awitan, O mga bundok, O gubat, at bawat punungkahoy doon! Sapagkat tinubos ng PANGINOON ang Jacob, at luluwalhatiin ang kaniyang sarili sa Israel.
24
Ganito ang sabi ng PANGINOON, ang iyong Manunubos, at nag-anyo sa iyo mula sa sinapupunan: "Ako ang PANGINOON na gumagawa ng lahat na bagay; na mag-isang nagladlad ng mga langit, na naglatag ng lupa — sinong kasama ko?
25
na bumibigo sa mga tanda ng mga sinungaling, at ginagawang hangal ang mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at ginagawang kahangalan ang kanilang kaalaman;
26
na nagpapatunay sa salita ng kanyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kanyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, 'Siya'y paninirahan;' at tungkol sa mga lunsod ng Juda, 'Matatayo sila, at aking ibabangon ang kanilang pagkaguho.'
27
Na nagsasabi sa kalaliman, 'Ikaw ay matuyo, aking tutuyuin ang iyong mga ilog;'
28
na nagsasabi tungkol kay Ciro, 'Siya'y aking pastol, at kanyang tutuparin ang lahat ng aking kaligayahan'; na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, 'Siya'y matatayo', at sa templo, 'Ang iyong pundasyon ay ilalagay.'"
← Chapter 43
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 45 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66