bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 9
Isaiah 9
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 8
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 10 →
1
Gayunman ay hindi magkakaroon ng kapanglawan sa kanya na nasa pagkahapis. Nang unang panahon ay dinala niya sa paghamak ang mga lupain ng Zebulon at Neftali, ngunit sa huling panahon ay gagawin niyang maluwalhati ang daang patungo sa dagat, ang lupain sa kabila ng Jordan, ang Galilea ng mga bansa.
2
Ang bayan na lumakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag; silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman, sa kanila sumikat ang liwanag.
3
Iyong pinarami ang bansa, iyong pinarami ang kanilang kagalakan. Sila'y nagagalak sa harap mo gaya ng kagalakan sa pag-aani, gaya ng mga tao na nagagalak kapag kanilang pinaghahatian ang samsam.
4
Sapagkat ang pamatok na kanyang pasan, at ang pingga sa kanyang balikat, ang panghampas ng nagpapahirap sa kanya, ay iyong sinira na gaya sa araw ng Midian.
5
Sapagkat lahat ng sandalyas ng naglalakad na mandirigma, at ang mga kasuotang tigmak ng dugo ay susunugin bilang panggatong para sa apoy.
6
Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat; at ang kanyang pangalan ay tatawaging "Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan."
7
Ang paglago ng kanyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magwawakas, sa trono ni David, at sa kanyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng katarungan at ng katuwiran mula sa panahong ito hanggang sa magpakailanman. Isasagawa ito ng sigasig ng PANGINOON ng mga hukbo.
8
Nagpadala ng mensahe ang PANGINOON sa Jacob, at ito'y magliliwanag sa Israel.
9
At malalaman ng buong bayan, ng Efraim at ng mga mamamayan ng Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng puso:
10
"Ang mga laryo ay nahulog, ngunit aming itatayo ng tinabas na bato; ang mga sikomoro ay pinutol na, ngunit aming papalitan ng mga sedro."
11
Kaya't ang PANGINOON ay magbabangon ng mga kaaway laban sa kanila, at pasisiglahin ang kanyang mga kalaban.
12
Ang mga taga-Siria sa silangan, at ang mga Filisteo sa kanluran, at kanilang lalamunin ang Israel sa pamamagitan ng bukas na bibig. Sa lahat na ito ang kanyang galit ay hindi napawi, kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.
13
Gayunma'y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kanya na nanakit sa kanila, o hinanap man nila ang PANGINOON ng mga hukbo.
14
Kaya't puputulin ng PANGINOON ang ulo't buntot ng Israel, ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw —
15
ang matanda at ang marangal na tao ang siyang ulo, at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan ang siyang buntot.
16
Sapagkat silang umakay sa bayang ito ay siyang nagliligaw; at silang pinapatnubayan nila ay nilamon.
17
Kaya't ang Panginoon ay hindi nagagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing balo. Sapagkat bawat isa ay masama at manggagawa ng kasamaan, at bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.
18
Sapagkat ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy; ito'y tumutupok ng mga dawag at mga tinikan; inaapuyan nito ang tinikan sa gubat, at pumapailanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.
19
Sa poot ng PANGINOON ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain. Ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; walang taong nagpapatawad sa kanyang kapatid.
20
Sila'y sumunggab ng kanang kamay, ngunit nagugutom pa rin, at kakain sa kaliwa, ngunit hindi sila nasisiyahan, nilalamon ng bawat isa ang laman ng kanyang kapwa.
21
Sinakmal ng Manases ang Efraim, at ng Efrairn ang Manases; sila'y kapwa naging laban sa Juda. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.
← Chapter 8
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 10 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66