bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 41
Isaiah 41
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 40
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 42 →
1
Tahimik kayong makinig sa akin, O mga lupain sa baybayin; hayaang magpanibagong lakas ang mga bayan; hayaang lumapit sila, at hayaang magsalita sila; tayo'y sama-samang lumapit para sa kahatulan.
2
Sinong nagbangon ng matuwid sa silangan, na kaniyang tinawag sa kanyang paanan? Siya'y nagbibigay ng mga bansa sa harap niya, pinasusuko niya ang mga hari; kanyang ginagawa silang parang alabok sa kanyang tabak, na parang pinaspas na dayami ng kanyang busog.
3
Kanyang hinahabol sila at lumalampas na payapa sa mga daang hindi dinaanan ng kanyang mga paa.
4
Sinong nagbalak at nagsagawa nito, na tumawag ng mga salinlahi mula nang pasimula? Akong PANGINOON, ang una, at kasama ng huli, Ako nga.
5
Nakita ng mga pulo, at natakot, ang mga dulo ng lupa ay nanginig; sila'y lumapit, at pumarito.
6
Bawat tao'y tumutulong sa kanyang kapwa, at sinasabi sa kanyang kapatid, "Ikaw ay magpakatapang!"
7
Pinasisigla ng karpintero ang platero, at pinasisigla ng gumagamit ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, "Mabuti"; at kanyang inilalapat ng mga pako, upang huwag makilos.
8
Ngunit ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob, na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;
9
ikaw na aking kinuha mula sa mga dulo ng lupa, at tinawag kita mula sa mga pinakamalayong sulok niyon, na sinasabi sa iyo, "Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil";
10
huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo, huwag kang mabalisa, sapagkat ako'y Diyos mo; aking palalakasin ka, oo, ikaw ay aking tutulungan; oo, ikaw ay aking aalalayan ng kanang kamay ng aking katuwiran.
11
Narito, silang lahat na nagagalit sa iyo ay mapapahiya at malilito: silang nakikipaglaban sa iyo ay mawawalan ng kabuluhan at mapapahamak.
12
Iyong hahanapin sila na nakikipaglaban sa iyo, ngunit hindi mo sila matatagpuan; silang nakikipagdigma laban sa iyo ay matutulad sa wala.
13
Sapagkat ako, ang PANGINOON mong Diyos, ang humahawak ng iyong kanang kamay; ako na nagsasabi sa iyo, "Huwag kang matakot, ikaw ay aking tutulungan."
14
Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga lalaki ng Israel! aking tutulungan ka, sabi ng PANGINOON, ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.
15
Narito, ginawa kitang bagong matalas na kasangkapang panggiik, na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at dudurugin ang mga iyon, at iyong gagawing parang ipa ang mga burol.
16
Iyong tatahipan sila, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipu-ipo. At ikaw ay magagalak sa PANGINOON, at iyong luluwalhatiin ang Banal ng Israel.
17
Kapag ang dukha at nangangailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw, akong PANGINOON ay sasagot sa kanila, akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.
18
Ako'y magbubukas ng mga ilog sa mga lantad na kaitaasan, at ng mga bukal sa gitna ng mga libis; aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig, at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig.
19
Aking itatanim sa ilang ang sedro, ang puno ng akasya, at ang arayan, at ang olibo; aking ilalagay na magkakasama sa ilang ang sipres na puno, ang alerses at pino;
20
upang makita at malaman ng mga tao, isaalang-alang at sama-samang unawain, na ginawa ito ng kamay ng PANGINOON, at nilikha ito ng Banal ng Israel.
21
Iharap ninyo ang inyong usapin, sabi ng PANGINOON; dalhin ninyo ang inyong mga matibay na dahilan, sabi ng Hari ni Jacob.
22
Hayaang dalhin nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari. Sabihin sa amin ang mga dating bagay, kung ano ang mga iyon, upang aming malaman ang kalalabasan nila; o ipahayag ninyo sa amin ang mga bagay na darating.
23
Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos, upang aming malaman na kayo'y mga diyos; oo, kayo'y gumawa ng mabuti, o gumawa ng kasamaan, upang kami ay mawalan ng loob at mamasdan naming sama-sama.
24
Narito, kayo'y bale-wala, at walang kabuluhan ang inyong gawa; kasuklamsuklam siya na pumipili sa inyo.
25
May ibinangon ako mula sa hilaga, at siya'y dumating; mula sa sikatan ng araw ay tatawag siya sa aking pangalan; siya'y paroroon sa mga pinuno na parang pambayo, gaya ng magpapalayok na tumatapak sa luwad.
26
Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming malaman? At nang una, upang aming masabi, "Siya'y matuwid"? Oo, walang nagpahayag, oo, walang nagsalita, oo, walang nakinig ng inyong mga salita.
27
Ako'y unang magsasabi sa Zion, narito, narito sila; at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita.
28
Ngunit nang ako'y tumingin ay walang tao, sa gitna nila ay walang tagapayo na makapagbibigay ng sagot, kapag nagtatanong ako.
29
Narito, silang lahat ay masama; ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan, ang kanilang mga larawang inanyuan ay hangin at walang laman.
← Chapter 40
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 42 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66