bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 57
Isaiah 57
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 56
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 58 →
1
Ang matuwid ay namamatay, at walang taong nagdararadam; ang mga taong tapat ay pumapanaw, samantalang walang nakakaunawa. Sapagkat ang matuwid na tao ay inilalayo sa kasamaan.
2
Siya'y pumapasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa kanilang mga higaan bawat isa'y lumalakad sa kanyang katuwiran.
3
Ngunit kayo, magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, mga supling ng masamang babae at mangangalunya.
4
Sino ang inyong tinutuya? Laban kanino kayo nagbubukas ng bibig, at naglalawit ng dila? Hindi ba kayo'y mga anak ng pagsuway, supling ng pandaraya,
5
kayong mga nag-aalab na may pagnanasa sa gitna ng mga ensina, sa ilalim ng bawat luntiang punungkahoy; na pumapatay ng inyong mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?
6
Sa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay nag-alay ng handog na butil. Mapapayapa ba ako sa mga bagay na ito?
7
Sa isang mataas at matayog na bundok ay inilagay mo ang iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng alay.
8
At sa likod ng mga pintuan at ng mga hamba ay itinaas mo ang iyong sagisag; sapagkat hinubaran mo ang iyong sarili sa iba kaysa akin, at ikaw ay sumampa roon, iyong pinaluwang ang iyong higaan; at nakipagtipan ka sa kanila, iyong inibig ang kanilang higaan minasdan mo ang kanilang pagkalalaki.
9
Ikaw ay naglakbay sa hari na may dalang langis, at pinarami mo ang iyong mga pabango; at iyong ipinadala ang iyong mga sugo sa malayo, at iyong pinababa hanggang sa Sheol.
10
Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad, gayunma'y hindi mo sinabi, "Ito'y walang pag-asa"; ikaw ay nakasumpong ng bagong buhay para sa iyong lakas, kaya't hindi ka nanlupaypay.
11
At kanino ka nangilabot at natakot, anupa't ikaw ay nagsinungaling, at hindi mo ako inalaala, o inisip mo man? Hindi ba ako tumahimik nang matagal na panahon, at hindi mo ako kinatatakutan?
12
Aking ipahahayag ang iyong katuwiran at ang iyong mga gawa, ngunit hindi mo mapapakinabangan.
13
Kapag ikaw ay sumigaw, iligtas ka nawa ng mga diyus-diyosang iyong tinipon! Ngunit tatangayin sila ng hangin, isang hinga ang tatangay sa kanila. Ngunit siyang nanganganlong sa akin ay mag-aari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok.
14
At kanyang sasabihin, "Inyong patagin, inyong patagin, ihanda ninyo ang lansangan, inyong alisin ang bawat sagabal sa lansangan ng aking bayan."
15
Sapagkat ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal: "Ako'y naninirahan sa mataas at banal na dako, at gayundin sa may pagsisisi at mapagpakumbabang-loob, upang buhayin ang loob ng mapagpakumbaba, at upang buhayin ang puso ng may pagsisisi.
16
Sapagkat hindi ako makikipagtalo magpakailanman, o magagalit man akong lagi; sapagkat ang espiritu ay manlupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
17
Dahil sa kasamaan ng kanyang kasakiman ay nagalit ako, sinaktan ko siya, ikinubli ko ang aking mukha at ako'y nagalit; ngunit nagpatuloy siya sa pagtalikod sa lakad ng kanyang puso.
18
Aking nakita ang kanyang mga lakad, ngunit pagagalingin ko siya; aking papatnubayan siya, at panunumbalikin ko sa kanya ang kaaliwan, at sa mga nananangis sa kanya.
19
Aking nilikha ang bunga ng mga labi. Kapayapaan, kapayapaan, sa kanya na malayo at sa kanya na malapit, sabi ng PANGINOON; at aking pagagalingin siya.
20
Ngunit ang masama ay parang maunos na dagat; sapagkat hindi matatahimik, at ang kanyang tubig ay naglalabas ng burak at dumi.
21
Walang kapayapaan, sabi ng aking Diyos, para sa masasama."
← Chapter 56
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 58 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66