bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 23
Isaiah 23
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 22
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 24 →
1
Ang pahayag tungkol sa Tiro. Tumaghoy kayo, kayong mga sasakyang-dagat ng Tarsis; sapagkat sira ang Tiro, walang bahay o kanlungan! Mula sa lupain ng Cyprus ay inihayag ito sa kanila.
2
Tumahimik kayo, kayong mga naninirahan sa baybayin; O mga mangangalakal ng Sidon, ang iyong mga sugo ay nagdaraan sa uagat,
3
at nasa baybayin ng malawak na mga tubig, ang iyong kinita ay ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, ikaw ang mangangalakal ng mga bansa.
4
Mahiya ka, O Sidon, sapagkat nagsalita ang dagat, ang tanggulan ng dagat, na nagsasabi, "Hindi ako nagdamdam, o nanganak man, o nag-alaga man ako ng mga binata, o nagpalaki ng mga dalaga."
5
Kapag ang balita ay dumating sa Ehipto, magdadalamhati sila dahil sa balita tungkol sa Tiro.
6
Dumaan kayo sa Tarsis, umiyak kayo, kayong mga naninirahan sa baybayin!
7
Ito ba ang inyong masayang lunsod, na mula pa noong unang araw ang pinagmulan, na dinadala ng kanyang mga paa upang sa malayo ay manirahan?
8
Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang nagkakaloob ng mga korona, na ang mga negosyante ay mga pinuno, na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa.
9
Pinanukala ito ng PANGINOON ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa.
10
Apawan mo ang iyong lupain na gaya ng Nilo, O anak na babae ng Tarsis; wala nang pampigil.
11
Kanyang iniunat ang kanyang kamay sa karagatan, kanyang niyanig ang mga kaharian. Ang PANGINOON ay nag-utos tungkol sa Canaan, upang gibain ang mga tanggulan.
12
At kanyang sinabi, "Ikaw ay hindi na magagalak pa, O ikaw na aping anak na birhen ng Sidon; bumangon ka, magdaan ka sa Chittim, doon ma'y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan."
13
Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo! Ito ay ang bayan; hindi ito ang Asiria. Itinalaga nila ang Tiro para sa maiilap na hayop. Kanilang itinayo ang kanilang mga muog, giniba nila ang kanyang mga palasyo, kanyang ginawa siyang isang guho.
14
Tumangis kayo, kayong mga sasakyang-dagat ng Tarsis, sapagkat ang inyong tanggulan ay giba.
15
At sa araw na iyon ang Tiro ay malilimutan sa loob ng pitumpung taon, gaya ng mga araw ng isang hari. Pagkatapos ng pitumpung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng masamang babae:'
16
"Kumuha ka ng alpa, lumibot ka sa lunsod, ikaw na masamang babaing nalimutan! Gumawa ka ng matamis na himig, umawit ka ng maraming awit, upang ikaw ay maalala."
17
Sa katapusan ng pitumpung taon, dadalawin ng PANGINOON ang Tiro, at siya'y babalik sa kanyang pangangalakal, at magiging masamang babae sa lahat ng kaharian ng sanlibutan sa ibabaw ng lupa.
18
At ang kanyang kalakal at ang kanyang upa ay itatalaga sa PANGINOON. Hindi ito itatago o iimbakin man, kundi ang kanyang paninda ay magbibigay ng saganang pagkain at magarang pananamit para sa mga namumuhay na kasama ng PANGINOON.
← Chapter 22
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 24 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66