bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 8
Isaiah 8
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 7
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 9 →
1
Sinabi ng PANGINOON sa akin, "Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng pangkaraniwang titik, 'Kay Maher-shalalhash-baz.'"
2
Mayroon akong mga tapat na saksi upang sumaksi sa akin, sina Urias na pari at si Zacarias na anak ni Jeberekias.
3
At ako'y naparoon sa propetisa; at siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalaki. At sinabi ng PANGINOON sa akin, "Tawagin mo ang kanyang pangalan na Maher-shalalhash-baz.
4
Sapagkat bago ang bata ay matutong magsalita ng, 'Ama ko,' o 'Ina ko,' ang kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay kukunin sa harapan ng hari ng Asiria."
5
At nagsalitang muli ang PANGINOON sa akin:
6
"Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloa na umaagos na marahan, at magalak sa harapan ni Rezin at sa anak ni Remalias;
7
kaya't narito, iniaahon ng PANGINOON sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, ang hari ng Asiria at ang lahat niyang kaluwalhatian. Siya'y aahon sa lahat niyang daluyan, at aapaw sa lahat niyang baybayin.
8
Ito'y aagos hanggang sa Juda, aapaw at aabot hanggang sa leeg; at ang nakabuka niyang mga pakpak ang siyang magpupuno ng lawak ng iyong lupain, O Emmanuel."
9
Kayo'y magsama-sama, mga bayan, at mabalisa, kayo'y makinig, kayong lahat na malayong lupain; magbigkis kayo, at kayo'y mabagabag, kayo'y magbigkis, at kayo'y mabagabag,
10
Magsanggunian kayo, ngunit iyon ay mauuwi sa wala; magsalita kayo ng salita ngunit iyon ay hindi mananatili, sapagkat ang Diyos ay kasama namin.
11
Sapagkat ang PANGINOON ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay, at binalaan ako na huwag lumakad sa lakad ng bayang ito, na sinasabi,
12
"Huwag ninyong tawaging pagsasabwatan ang lahat na tinatawag na pagsasabwatan ng bayang ito, at huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan, o mangilabot man.
13
Ngunit ang PANGINOON ng mga hukbo, siya ang inyong ituturing na banal; siya ang inyong katakutan, at sa kanya kayo mangilabot.
14
At siya'y magiging santuwaryo ninyo, isang batong katitisuran at malaking batong kabubuwalan ng dalawang sambahayan ng Israel, isang bitag at silo sa mga mamamayan ng Jerusalem.
15
At marami ang matitisod doon; sila'y mabubuwal at mababalian. Sila'y masisilo at mahuhuli."
16
Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang turo sa gitna ng aking mga alagad.
17
Aking hihintayin ang PANGINOON na nagkukubli ng kanyang mukha sa sambahayan ni Jacob, at ako'y aasa sa kanya.
18
Ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng PANGINOON ay mga tanda at kababalaghan sa Israel mula sa PANGINOON ng mga hukbo, na naninirahan sa Bundok ng Zion.
19
At kapag kanilang sinabi sa inyo, "Sumangguni kayo sa mga multo at masasamang espiritu na humuhuni at bumubulong." Hindi ba dapat sumangguni ang bayan sa kanilang Diyos, ang mga patay para sa mga buhay?
20
Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga.
21
At sila'y daraan sa lupain na nahihirapang lubha at gutom, at kapag sila'y nagugutom, sila'y magagalit, at susumpain ang kanilang hari at ang kanilang Diyos, at ititingala ang kanilang mga mukha.
22
Sila'y titingin sa lupa ngunit ang makikita lamang ay kahirapan at kadihman, ulap ng hapis, at itataboy sila sa makapal na kadiliman.
← Chapter 7
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 9 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66