bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 54
Isaiah 54
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 53
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 55 →
1
"Umawit ka, O baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay biglang umawit, at sumigaw nang malakas, ikaw na hindi nakaranas ng hirap sa panganganak! Sapagkat ang mga anak ng babaing iniwan ay magiging higit na marami kaysa mga anak ng may asawa, sabi ng PANGINOON.
2
Palawakin mo ang lugar ng iyong tolda, at iladlad mo ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang umurong, habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.
3
Sapagkat ikaw ay kakalat nang malayo sa kanan at sa kaliwa; at aangkinin ng iyong lahi ang mga bansa, at patitirahan ang mga bayang giba.
4
"Huwag kang matakot; sapagkat ikaw ay hindi mapapahiya; huwag kang malilito sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan; sapagkat iyong malilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at hindi mo na maaalala pa ang iyong pagkabalo na dala'y kasiraan.
5
Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay iyong asawa; PANGINOON ng mga hukbo ay kanyang pangalan. Ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Diyos ng buong lupa ang tawag sa kanya.
6
Sapagkat tinawag ka ng PANGINOON, gaya ng asawang kinalimutan at nagdadalamhati ang espiritu, parang asawa ng kabataan nang siya'y itakuwil, sabi ng iyong Diyos.
7
Sa ilang sandali ay kinalimutan kita; ngunit titipunin kita sa pamamagitan ng malaking pagkahabag!
8
Sa nag-uumapaw na poot nang sandali, ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo, ngunit kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng PANGINOON, na iyong Manunubos.
9
"Sapagkat para sa akin ito ay parang tubig sa panahon ni Noe; gaya ng aking ipinangako, na ang tubig sa panahon ni Noe ay hindi na aapaw pa sa lupa, gayon ako'y nangako na hindi ako magagalit sa iyo, at hindi ka na kagagalitan.
10
Sapagkat ang mga bundok ay maaaring umalis, at ang mga burol ay mapalipat; ngunit ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi maaalis, sabi ng PANGINOON na naaawa sa iyo.
11
"O ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magagandang kulay, at lalagyan ko ng mga zafiro ang iyong pundasyon.
12
At gagawin kong mga rubi ang iyong mga tore, at mga karbungko ang iyong mga pintuan, at mahahalagang bato ang lahat mong mga pader.
13
Lahat ng iyong anak ay tuturuan ng PANGINOON; at magiging malaki ang kasaganaan ng iyong mga anak.
14
Sa katuwiran ay matatatag ka. Ikaw ay malalayo sa pang-aapi sapagkat ikaw ay hindi matatakot, at sa pagkasindak, sapagkat ito'y hindi lalapit sa iyo.
15
Kung may magsimula ng alitan, ito'y hindi mula sa akin. Sinumang makipag-away sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo.
16
Narito, ako ang lumalang sa panday na humihihip sa apoy ng mga baga, at naglalabas ng sandata para sa kanyang gawa. Akin ding nilalang ang mangwawasak upang mangwasak.
17
Walang sandata na ginawa laban sa iyo ang magtatagumpay, at bawat dila na babangon laban sa iyo sa kahatulan, ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng PANGINOON, at ang pagiging matuwid nila ay mula sa akin, sabi ng PANGINOON."
← Chapter 53
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 55 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66