bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 3
Isaiah 3
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 2
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 4 →
1
Sapagkat, inaalis ng Makapangyarihan, ng PANGINOON ng mga hukbo, sa Jerusalem at sa Juda ang panustos at tungkod, ang lahat na panustos na tinapay at ang lahat na panustos na tubig;
2
ang magiting na lalaki at ang mandirigma ang hukom at ang propeta, ang manghuhula at ang matanda;
3
ang kapitan ng limampu, at ang marangal na tao, ang tagapayo, at ang bihasang salamangkero, at ang dalubhasa sa pag-eengkanto.
4
Gagawin kong pinuno nila ang mga batang lalaki, at ang mga sanggol ang mamumuno sa kanila.
5
Aapihin ng mga tao ang isa't isa, bawat isa'y ang kanyang kapwa, ang kabataan ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal.
6
Kapag hinawakan ng lalaki ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang ama, na nagsasabi: "Ikaw ay may damit, ikaw ay maging aming pinuno, at ang wasak na ito ay mapapasailalim ng iyong pamamahala";
7
sa araw na iyon ay magsasalita siya na nagsasabi: "Hindi ako magiging tagapagpagaling; sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan."
8
Sapagkat ang Jerusalem ay giba, at ang Juda ay bumagsak; sapagkat ang kanilang pananalita at ang kanilang mga gawa ay laban sa PANGINOON, na nilalapastangan ang kanyang maluwalhating presensiya.
9
Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli ito. Kahabag-habag sila! Sapagkat sila'y nagdala ng kasamaan sa kanilang sarili.
10
Sabihin ninyo sa matuwid, na iyon ay sa ikabubuti nila, sapagkat sila'y kakain ng bunga ng kanilang mga gawa.
11
Kahabag-habag ang masama! Ikasasama nila iyon, sapagkat ang ginawa ng kanyang mga kamay ay gagawin sa kanya.
12
Tungkol sa aking bayan, mga bata ang nang-aapi sa kanila, at ang mga babae ang namumuno sa kanila. O bayan ko, inililigaw kayo ng inyong mga pinuno, at ginugulo ang daan ng iyong mga landas.
13
Ang PANGINOON ay tumayo upang magsanggalang, kinuha niya ang kanyang lugar upang ang kanyang bayan ay hatulan.
14
Ang PANGINOON ay papasok sa paghatol kasama ng matatanda at mga pinuno ng kanyang bayan: "Kayo ang lumamon ng ubasan, ang samsam ng mga dukha ay nasa inyong mga bahay.
15
Anong ibig ninyong sabihin na inyong dinudurog ang aking bayan, at ginigiling ang mukha ng mga dukha?" sabi ng Panginoong DIYOS ng mga hukbo.
16
Sinabi ng PANGINOON: Sapagkat ang mga anak na babae ng Zion ay mapagmataas, at nagsisilakad na may naghahabaang mga leeg, at mga matang nagsisiirap, na lumalakad na pakendeng-kendeng habang humahayo, at ipinapadyak ang kanilang mga paa;
17
kaya't sasaktan ng PANGINOON ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Zion, at ilalantad ng PANGINOON ang kanilang mga lihim na bahagi.
18
Sa araw na iyon ay aalisin ng PANGINOON ang mga hiyas ng kanilang mga paa, at ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may hugis ng kalahating buwan;
19
ang mga kuwintas, ang mga pulseras, at ang mga belo;
20
ang mga laso ng buhok, ang mga palamuti sa braso, ang mga pamigkis, ang mga sisidlan ng pabango, at ang mga anting-anting,
21
ang mga singsing, ang mga hiyas na pang-ilong;
22
ang mga damit na pamista, ang mga balabal, ang mga kapa, ang mga pitaka;
23
ang maninipis na kasuotan, ang pinong lino, ang mga turbante, at ang mga belo.
24
Sa halip na maiinam na pabango ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay lubid; at sa halip na ayos na buhok ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na maganda ay pamigkis na damit-sako; kahihiyan sa halip na kagandahan.
25
Ang iyong mga lalaki ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong magigiting ay sa pakikipagdigma.
26
At ang kanyang mga pintuan ay tataghoy at tatangis; at siya'y wasak na uupo sa ibabaw ng lupa.
← Chapter 2
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 4 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66