bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 59
Isaiah 59
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 58
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 60 →
1
Narito, ang kamay ng PANGINOON ay hindi maikli na di makapagligtas; ni hindi mahina ang kanyang pandinig, na ito'y di makarinig.
2
Ngunit pinaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo, anupa't siya'y hindi nakikinig.
3
Sapagkat ang inyong mga kamay ay nadungisan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
4
Walang nagdadala ng usapin na may katarungan, at nagtutungo sa batas na may katapatan; sila'y nagtitiwala sa kalituhan, sila'y nagsasalita ng mga kasinungalingan; sila'y naglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
5
Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay ng gagamba; ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay, at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
6
Ang kanilang mga bahay ng gagamba ay hindi magiging mga kasuotan, hindi nila matatakpan ang kanilang sarili ng kanilang mga ginawa. Ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang mararahas na gawa ay nasa kanilang mga kamay.
7
Ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan, at sila'y nagmamadaling nagpapadanak ng dugong walang kasalanan, ang kanilang mga pag-iisip ay mga pag-iisip ng kasamaan, pagwasak at paggiba ang nasa kanilang mga daan.
8
Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman, sa kanilang mga lakad ay walang katarungan, ginawa nilang liku-liko ang kanilang mga daan, sinumang lumalad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
9
Kaya't malayo sa amin ang katarungan, at hindi umaabot sa amin ang katuwiran, kami'y naghahanap ng liwanag, ngunit, narito ang kadiliman; at ng kaliwanagan, ngunit naglalakad kami sa kadiliman.
10
Kami'y nangangapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nangangapa na gaya nila na walang mga mata, kami'y natitisod sa katanghaliang-tapat na gaya sa gabi, sa gitna ng malalakas, kami'y parang mga patay.
11
Kaming lahat ay umuungol na parang mga oso, kami'y dumaraing nang may kalungkutan parang mga kalapati, kami'y naghahanap ng katarungan, ngunit wala; ng kaligtasan, ngunit iyon ay malayo sa amin.
12
Sapagkat ang aming mga pagsuway ay dumami sa harapan mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin, sapagkat ang aming mga pagsuway ay kasama namin, at ang sa aming mga kasamaan ay nalalaman namin;
13
na sinusuway at itinatatwa ang PANGINOON, at lumalayo sa pagsunod sa aming Diyos, na nagsasalita ng pang-aapi at paghihimagsik, na nagbabalak at nagsasalita mula sa puso ng mga salitang asinungalingan.
14
Ang katarungan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagkat ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at hindi makapasok ang katuwiran.
15
Nagkukulang sa katotohanan, at ang humihiwalay sa kasamaan ay ginagawang biktima ang kanyang sarili. Ito'y nakita ng PANGINOON, at ikinasama ng kanyang loob na walang katarungan.
16
Kanyang nakita na walang tao, at namangha na walang sinumang mamamagitan; kaya't ang kanyang sariling bisig ay nagdala ng tagumpay sa kanya, at ang kanyang katuwiran ay umalalay sa kanya.
17
At bilang baluti ay nagsuot siya ng katuwiran, at sa kanyang ulo ay helmet ng kaligtasan; siya'y nagdamit ng mga bihisan ng paghihiganti bilang kasuotan, at bilang balabal ang sarili ay binalutan ng sikap.
18
Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin, poot sa kanyang mga kalaban, ganti sa kanyang mga kaaway; sa mga pulo ay ganti ang kanyang ipapataw.
19
Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng PANGINOON mula sa kanluran, at ang kanyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw, sapagkat siya'y darating na parang bugso ng tubig na itinataboy ng hininga ng PANGINOON.
20
"Ang isang Manunubos ay darating sa Zion, at sa kanila sa Jacob na humihiwalay sa pagsuway, sabi ng PANGINOON.
21
"At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng PANGINOON: ang aking Espiritu na nasa iyo at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, ay hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng PANGINOON, mula ngayon at magpakailanpaman."
← Chapter 58
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 60 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66