bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 63
Isaiah 63
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 62
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 64 →
1
Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuotang matingkad na pula mula sa Bosra? Siya na maluwalhati sa kanyang suot, na lumalakad sa kadakilaan ng kanyang lakas? "Ako iyon na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas."
2
Bakit pula ang iyong kasuotan, at ang iyong damit ay gaya niyong yumayapak sa pisaan ng alak?
3
"Aking niyapakan ang pisaan ng alak na mag-isa, at mula sa mga bayan ay wala akong kasama; sa aking galit ay akin silang niyapakan, at sa aking poot ay akin silang niyurakan; at ang kanilang dugo ay tumilamsik sa mga suot ko, at namantsahan ang lahat ng suot ko.
4
Sapagkat ang araw ng paghihiganti ay nasa aking puso, at ang aking taon ng pagtubos ay dumating.
5
Ako'y tumingin, ngunit walang sinumang tutulong, ako'y namangha ngunit walang umalalay; kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay, at ang aking poot sa akin ay umalalay.
6
Aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, nilasing ko sila sa aking poot, at ibinuhos ko sa lupa ang kanilang dugo.
7
Aking aalalahanin ang kagandahang-loob ng PANGINOON, at ang mga kapurihan ng PANGINOON, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng PANGINOON sa amin, at ang dakilang kabutihan na kanyang ginawa sa sambahayan ni Israel na kanyang ipinagkaloob sa kanila ayon sa kanyang kaawaan, at ayon sa kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob.
8
Sapagkat kanyang sinabi, "Tunay na sila'y aking bayan, mga anak na hindi gagawang may kasinungalingan; at siya'y naging kanilang Tagapagligtas.
9
Sa lahat nilang pagdadalamhati ay nadalamhati siya, at iniligtas sila ng anghel na nasa kanyang harapan; sa kanyang pag-ibig at sa kanyang pagkaawa ay tinubos niya sila; at kanyang itinaas at kinalong sila sa lahat ng mga araw noong una.
10
Ngunit sila'y naghimagsik, at pinighati ang kanyang Banal na Espiritu; kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya mismo ay lumaban sa kanila.
11
Nang magkagayo'y naalala ng kanyang bayan ang mga araw nang una, tungkol kay Moises. Nasaan siya na nag-ahon mula sa dagat, na kasama ng mga pastol ng kanyang kawan? Nasaan siya na naglagay sa gitna nila ng kanyang Banal na Espiritu?
12
Sinong naglagay ng kanyang maluwalhating bisig na humayong kasama ng kanang kamay ni Moises, na humawi ng tubig sa harapan nila, upang gumawa para sa kanyang sarili ng walang hanggang pangalan?
13
Sinong pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman? Gaya ng isang kabayo sa ilang ay hindi sila natisod.
14
Gaya ng kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga sila ng Espiritu ng PANGINOON. Gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gumawa para sa iyong sarili ng isang maluwalhating pangalan.
15
Tumingin ka mula sa langit, at iyong masdan, mula sa iyong banal at maluwalhating tahanan. Nasaan ang iyong sigasig at ang iyong kapangyarihan? Ang hangad ng iyong puso at ang iyong habag ay iniurong mo sa akin.
16
Sapagkat ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami nakikilala ni Abraham, at hindi kami kinikilala ng Israel. Ikaw, O PANGINOON, ay aming Ama, aming Manunubos noong una pa ay ang iyong pangalan.
17
O PANGINOON, bakit mo kami iniligaw sa iyong mga daan, at pinapagmatigas mo ang aming puso na anupa't hindi kami natakot sa iyo? Ikaw ay magbalik alang-alang sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana.
18
Inaring sandali lamang ng iyong banal na bayan ang santuwaryo, niyapakan ito ng aming mga kaaway.
19
Kami ay naging gaya ng mga hindi mo pinamahalaan kailanman, gaya ng mga hindi tinatawag sa iyong pangalan.
← Chapter 62
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 64 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66