bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 58
Isaiah 58
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 57
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 59 →
1
"Sumigaw ka nang malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang trumpeta; at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsuway, at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
2
Gayunma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang malaman ang aking mga daan; na parang sila'y isang bansa na gumawa ng kabutihan, at ang tuntunin ng kanilang Diyos ay hindi tinalikuran; hinihingan nila ako ng matutuwid na kahatulan, sila'y nalulugod sa paglapit sa Diyos.
3
'Bakit kami ay nag-ayuno, at hindi mo nakikita? Bakit hindi mo napapansin ang aming pagpapakumbaba?' Sa araw ng inyong pag-aayuno ay hinahanap ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong pinahihirapan ang lahat ninyong mga manggagawa.
4
Narito, kayo'y nag-aayuno upang makipag-away at makipagtalo, at upang manakit ng masamang kamao. Hindi kayo nag-aayuno sa araw na ito, upang maiparinig ang inyong tinig sa itaas.
5
Iyan ba ang ayuno na aking pinili? Isang araw upang magpakumbaba ang tao sa kanyang sarili? Iyon ba'y ang iyuko ang kanyang ulo na parang yantok, at maglatag ng damit-sako at abo sa ilalim niya? Iyo bang tatawagin ito na ayuno, at araw na katanggap-tanggap sa PANGINOON?
6
"Hindi ba ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na kalasin ang mga panali ng pamatok, na palayain ang naaapi, at baliin ang bawat pamatok?
7
Hindi ba ito ay upang ibahagi ang iyong tinapay sa nagugutom, at dalhin sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? Kapag nakakita ka ng hubad, iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong sariling laman?
8
Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay magiging iyong bantay sa likod.
9
Kung magkagayo'y tatawag ka at ang PANGINOON ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. "Kung iyong alisin sa gitna mo ang pamatok, ang pang-alipusta, at ang pagsasalita ng masama;
10
Kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong tugunin ang nais ng nagdadalamhati, kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang-tapat.
11
At patuloy na papatnubayan ka ng PANGINOON, at masisiyahan ang iyong kaluluwa sa tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamanang nadilig, at parang bukal na ang tubig ay hindi nauubos.
12
At mula sa inyo ay itatayo ang dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga saligan ng maraming salinlahi; at ikaw ay tatawaging tagapag-ayos ng sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.
13
"Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng PANGINOON, at ito'y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita;
14
kung magkagayo'y malulugod ka sa PANGINOON, at pasasakayin kita sa mga matataas na dako sa lupa; at pakakainin kita ng mana ni Jacob na iyong ama, sapagkat sinalita ng bibig ng PANGINOON."
← Chapter 57
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 59 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66