bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Isaiah 33
Isaiah 33
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 32
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 34 →
1
Kahabag-habag ka na mangwawasak; ikaw na hindi nawasak; ikaw na taksil, na hindi ginawan ng kataksilan ng sinuman! Kapag ikaw ay tumigil sa pagwasak, ikaw ay wawasakin; at kapag iyong winakasan ang paggawa ng kataksilan, ikaw ay gagawan ng kataksilan.
2
O PANGINOON, mahabag ka sa amin; kami'y umaasa sa iyo. Ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan sa panahon ng pagkabalisa.
3
Sa ingay ng kaguluhan ay tumakas ang mga tao, sa pagbangon mo ay nangalat ang mga bansa;
4
at ang iyong samsam ay tinitipon na gaya nang pagtitipon ng mga uod; kung paanong ang mga balang ay lumulukso, gayon niluluksuhan ito ng mga tao.
5
Ang PANGINOON ay dinakila, sapagkat sa mataas siya'y tumatahan, kanyang pupunuin ang Zion ng katarungan at katuwiran;
6
at siya ang magiging katatagan ng iyong mga panahon, kalakasan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman; ang takot sa PANGINOON ay kanyang kayamanan.
7
Narito, ang kanilang mga bayani ay nagsisisigaw sa labas; ang mga sugo ng kapayapaan ay matinding nagsisiiyak.
8
Ang mga lansangan ay iniwanan, ang manlalakbay ay huminto. Kanyang sinisira ang mga tipan, kanyang tinanggihan ang mga lunsod, hindi niya iginalang ang tao.
9
Ang lupain ay nananangis at nagdurusa, ang Lebanon ay napapahiya; ang Sharon ay natutuyo gaya ng isang disyerto; at nalalagas ang mga dahon ng Basan at Carmel.
10
"Ngayo'y babangon ako," sabi ng PANGINOON, "ngayo'y itataas ico ang aking sarili; ngayo'y dadakilain ako.
11
Kayo'y naglihi ng ipa, kayo'y nanganak ng dayami; ang inyong hininga ay apoy na tutupok sa inyo.
12
At ang mga bayan ay parang sinunog sa apog, gaya ng mga pinutol na mga tinik, na sinunog sa apoy."
13
Pakinggan ninyo, kayong nasa malayo, kung ano ang aking ginawa; at kayong nasa malapit, kilalanin ang aking kapangyarihan.
14
Ang mga makasalanan sa Zion ay natatakot; kinilabutan ang masasama: "Sino sa atin ang makatatahang kasama ng lumalamong apoy? Sino sa atin ang makatatahang kasama ng walang hanggang pagsunog?"
15
Siyang lumalakad nang matuwid, at nagsasalita nang matuwid; siyang humahamak ng pakinabang ng pang-aapi, na ipinapagpag ang kanyang mga kamay, baka mayroon silang hawak na suhol, na nagtatakip ng kanyang mga tainga sa pagdinig ng pagdanak ng dugo, at ipinipikit ang kanyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;
16
siya'y maninirahan sa kaitaasan; ang kanyang dakong tanggulan ay magiging muog ng malalaking bato; ang kanyang tinapay ay ibibigay sa kanya; ang kanyang tubig ay sasagana.
17
Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kanyang kagandahan; matatanaw nila ang lupaing nasa malayong lugar.
18
Gugunitain ng iyong isipan ang kakilabutan: "Nasaan siya na eskriba, nasaan siya na tumitimbang? Nasaan siya na bumibilang ng mga muog?"
19
Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan, ang bayan na may malabong pananalita na hindi mo maunawaan, nauutal sa wika na hindi mo maiintindihan.
20
Narito ang Zion, ang lunsod ng ating mga takdang kapistahan! Makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem, isang tahimik na tahanan, isang tolda na hindi makikilos, na ang mga tulos ay hindi mabubunot kailanman, o mapapatid man ang alinman sa mga tali niyon.
21
Kundi doon ang kamahalan ng PANGINOON, ay maglalagay para sa atin, isang dako ng maluluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng malalaking sasakyang-dagat.
22
Sapagkat ang PANGINOON ang ating hukom, ang PANGINOON ang ating tagapagbigay ng kautusan, ang PANGINOON ay ating hari; tayo'y kanyang ililigtas.
23
Ang iyong mga tali ay nakalag; hindi nila mahawakan ang patungan ng kanilang palo, hindi nila mabuka ang kanilang layag. At ang biktima at saganang samsam ay babahaginin, kahit ang pilay ay kukuha ng nasila.
24
At walang mamamayan na magsasabi, "Ako'y may karamdaman"; ang bayang tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasalanan.
← Chapter 32
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 34 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66